Isasagawa sa Philippine General Hospital (PGH) ang first phase ng pag-aaral para sa real-world effectiveness ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Dr. Regina Barba, pinuno ng infectious control unit ng PGH, sakop sa pag-aaral ang iba’t ibang vaccine brands.
Mayroong tatlong phase ang pag-aaral, ang unang phase ay may kinalaman sa healthcare workers.
Magkakaroon ng dalawang surveillance systems para sa antibody testing at real-world kung magkakasakit sila ng COVID-19 o hindi.
Dagdag pa ni Dr. Barba, target ng PGH ang nasa 20,000 indibiduwal para sa pag-aaral.
Aalamin nila sa pag-aaral ang bisa ng iba’t ibang brand ng bakuna.
Bukod sa healthcare workers, sisilipin din ang bisa ng mga bakuna para sa mga senior citizens, persons with comorbidities, at essential workers.
Ang local communities naman ang isasalang sa second phase ng pag-aaral at ang huling phase ay para sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Maaaring magsimula ang real-world study sa susunod na dalawang buwan.