Pag-aaral sa locally produced COVID-19 vaccines, matatapos sa Nobyembre

Inaasahang matatapos na sa Nobyembre ngayong taon ang pag-aaral kaugnay sa paggawa ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na ang DOH at ibang ahensya ng gobyerno sa Asian Development Bank (ADB) para sa naturang proyekto.

Kasalukuyan ding nagsasagawa ng diskusyon ang gobyerno sa mga foreign vaccine manufacturers at mga local partners nito.


Ang vaccine self-reliance project ay pag-aaral ng Research Insitute for Tropical Medicine (RITM).

Facebook Comments