Pag-aaral sa paggamit ng pinaghalong COVID-19 vaccine, sisimulan na ng DOH at DOST

Isinasapinal na ng Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) ang proseso para sa pag-aaral ng pinaghalong dalawang brand ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nagkaroon na ng mga pagpupulong ang mga opisyal ng DOH at DOST maging ang Vaccine Expert Panel (VEP) para talakayin ang tungkol sa gagawing pag-aaral.

Maliban dito, pag-aaralan din ang paggamit sa ibang brand ng bakuna bilang booster shot na iba sa natanggap na COVID-19 vaccine ng isang indibidwal.


Sabi pa ni Vergeire, humahanap na sila ng pondo para sa nasabing mga pag-aaralan.

Facebook Comments