Inaprubahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang ₱19.1 million study na aalamin ang accuracy ng rapid antibody test sa pag-diagnose ng COVID-19.
Ayon kay Science Secretary Fortunato Dela Peña, ang Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) ang nag-apruba sa pag-aaral, at pangungunahan ito ng team ni Dr. Leonila Dans ng University of the Philippines (UP) Manila.
Sinabi ni Dela Peña, na aalamin sa pag-aaral ang performance ng rapid antibody test tuwing may acute at convalescent phase ng sakit.
Bagamat aabutin ng siyam na buwan ang pag-aaral, sinabi ng kalihim na maaaring magkaroon na ng resulta sa loob ng tatlong buwan.
Sa ilalim ng protocol ng Department of Health (DOH), ang pasyente ay kailangang sumailalim sa confirmatory polymerase chain reaction test.
Ang rapid test ay hindi inirerekomenda para sa mass testing at self-testing.