Pag-aaral sa salary adjustment ng mga kawani ng gobyerno, target tapusin sa mga susunod na buwan – DBM

Tatapusin agad ng pamahalaan ang pag-aaral sa posibleng salary adjustment ng mga kawani ng gobyerno sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, target itong tapusin ng pamahalaan hanggang sa buwan ng Hunyo.

Layon ng inisyatiba ng DBM at ng Governance Commission for GOCCs na masigurong sapat ang naibibigay na kompensasyon at benepisyo sa mga kawani ng pamahalaan.


Sinabi ni Secretary Pangandaman na nararapat lamang pag-aralan ngayon ang sahod sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.

Nakapaloob din sa gagawing pag-aaral ang kapasidad ng gobyerno na pondohan ang umento sa sahod ng mga kawani para mapakinabangan ng maraming Pilipino.

Ang resulta naman ng pag-aaral ang gagawing batayan sa pagbabago sa Total Compensation Framework ng mga sibiliyang kawani ng gobyerno para sa nararapat at napapanahong dagdag sahod ng mga ito.

Facebook Comments