Pag-aaral sa VCO para sa mga pasyenteng may severe COVID-19 cases, naantala dahil sa pagkasunog ng PGH

Malapit na ring matapos ang ginagawang pag-aaral sa paggamit ng Virgin Coconut Oil (VCO) bilang gamot laban sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña na nagpakita ng promising results ang VCO para sa mga suspected at probable cases ng covid-19.

Ayon kay Dela Peña, napaikli nito ang period of recovery ng mga nasabing pasyente nang limang araw kumpara sa mga hindi gumamit ng VCO.


Kaugnay niyan, aminado naman si Dela Peña na nagkaroon ng delay sa paglalabas ng resulta dahil sa pag-unti ng mga pasyenteng nasa severe cases ng COVID-19 at ang nangyaring sunog sa Philippine General Hospital nitong Mayo 16.

Inaasahang sa susunod na buwan ilalabas ang resulta ng pag-aaral sa lagundi at VCO ayon kay Dela Peña.

Facebook Comments