Manila, Philippines – Naniniwala si Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat gawing annual o taunan ang dagdag sahod ng mga minimum wage earner.
Sabi ni Bello, kaakibat ng kanyang direktiba sa regional tripartite wages board na pag-aralan ang hirit ng mga manggagawa na dagdag sahod.
Pinapa-review na rin niya sa mga ito ang posibilidad na gawing taunan ang umento.
Pero ayon kay Bello, kahit na kailangan na talaga ng adjustment sa sahod. imposible pa rin ang panawagan na magkaroon ng ₱750 na standard minimum wage sa buong bansa.
Aniya, magkakaiba kasi ang sitwasyon sa kada rehiyon, kaya wala pang garantiya na maaaprubahan ang naturang hirit.
Facebook Comments