PAG-AARALAN | Epekto ng TRAIN law sa mga manggagawa, sinisilip na ng DOLE

Manila, Philippines – Inatasan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 17 Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) para talakayin ang epekto ng TRAIN law sa mga manggagawa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maliban sa wage boards, kukonsultahin din nila ang mga labor group kaugnay sa epekto ng TRAIN law.

Kailangan na aniya itong gawin dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo na nagresulta sa pagmahal ng bilihin at serbisyo.


Inihihirit ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang 800 pesos na minimum wage para sa lahat ng manggagawa at 500 pesos na subsidy para sa mga minimum wage eaner.

Maghahain naman ngayong araw ang Makabayan Coalition sa Kamara ng panukalang batas na itakda na sa 750 pesos ang minimum wage.

Gayunman, hindi pa maipapangako ng DOLE na may malaking deperensyang mararamdaman sa sahod ang mga manggagawa.

Facebook Comments