PAG-AARALAN | FDA, magsasagawa ng review sa mga workout at energy drinks

Manila, Philippines – Magsasagawa ang Food and Drug Administration (FDA) ng review sa mga workout at energy drinks kasunod ng pagkakasuspinde sa basketbolistang si Kiefer Ravena.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, masusi nilang pag-aaralan ang mga produkto para na rin sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Malugod nilang tatanggapin ang tulong at kooperasyon ni Ravena hinggil dito.


Matatandaang 18 buwan ang ipinataw na suspensyon ng FIBA kay Ravena para maglaro sa international competition matapos mag positibo sa tatlong ipinagbabawal na substance na itinakda ng anti-doping policy ng FIBA.

Una nang nilinaw ni Ravena na hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Facebook Comments