PAG-AARALAN | Fixed salary ng mga taxi driver, pinag-aaralan na

Manila, Philippines – Sabi ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, layunin nitong tulungan ang mga driver pati na rin ang mga pasahero.

Paliwanag ni Lizada, kung may buwanang sahod na ang mga taxi driver sa halip na boundary system ay magiging maayos na ang kanilang pagmamaneho.

Maiiwasan na rin aniya ang mahabang oras sa pamamasada na nagreresulta sa hindi magandang pakikitungo ng mga ito sa kanilang pasahero.


Ayon pa kay Lizada, may epekto rin sa “driving skills” ang sobrang oras sa kalsada ng mga driver kaya marami sa kanila ang mainit ang ulo.

Sa ilalim ng department order no. ‎2017-011 ng Department Of Transportation (DOTr) ang mga PUV drivers ay kailangan na magkaroon ng fixed salary at benepisyo.

Facebook Comments