Manila, Philippines – Muling pipili ang AFP General Court Martial ng limang opisyal para magimbestiga sa sa kasong rebelyon at administratibo ni Senator Antonio Trillanes.
Ito ay matapos na bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Proclamation number 75 of 2010 na nagpapawalang sala sa mga kaso ng senador na noon ay inaprobahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay Department of National Defense Spokesperson Director Arsenio Andolong, nagretiro na sa serbisyo ang mga dating military officers na kabilang sa AFP general court martial noon na nagdinig sa mga kaso ni Sen Trillianes kaya kailangan muling pumili.
Pangungunahan aniya ni General Salvador Mison ang acting chief of staff sa kasalukuyan ang pagko- convene ng AFP General Court Martial.
Paliwanag ni Andolong, nakasaad sa inaprobahang revocation ng amnesty ni Pangulong Duterte na parang walang nangyaring amnesty kaya babalik sa umpisa ang paglilitis ng kasong rebelyon at Administratibo ni Sen Trillianes.
Pakinggan natin ang tinig ni Director Arsenio Andolong
Sinabi pa ni Andolong na batay sa proseso, obligadong humarap ang kino- court martial sa pagdinig kaya dapat na sa AFP Custodial Center sa Camp Aguinaldo ito makulong.
Pero kung maililipat aniya ang custody nito sa Senado ay bahala na ang Senado at Department of Justice ang magusap para rito.
Tinitiyak lamang aniya nila ngayon na nakahanda na ang AFP Custodial center na pagkukulangan ni Sen Trillanes.