Manila, Philippines – Nangako ang Commission on Higher Education na tatalima sila sa isriktong panuntunan sa pag-evaluate ng mga application ng mga private higher education institutions na magtaas ng matrikula ngayong taon.
Ayon kay CHED O-I-C Prospero De Vera, hindi maaring ipatupad ng mga private universities and colleges ang kanilang tuition hike kung nakabinbin pa sa mga regional offices ang kanilang applications.
Tiniyak naman ni De Vera na masusing pag-aaralan ang hirit na taas-tuition.
Tugon ito ng CHED matapos ihayag ng National Union of Students of the Philippines na nasa 400 pribadong eskwelahan ang magtataas ng tuition at iba pang fees ngayong taon.
Facebook Comments