PAG-AARALAN | House Committee On Way and Means Chairperson Dakila Cua, bukas sa pagsuspinde ng TRAIN law

Manila, Philippines – Bukas si House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua na suspendihin ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Ayon kay Cua, nais niyang pag-aralan ang nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ng produktong petrolyo.

Sa datos ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Trade and Industry (DTI), sa 4.5 percent na inflation rate point four percent lang ang epekto ng TRAIN law.


Bagaman bukas na ipahinto ang TRAIN law, sinabi ni Cua na sana ay manatili ang ilang feature ng batas gaya ng pagbaba ng income tax rate.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng house committee on ways and means ang ikalawang package ng TRAIN law.

Facebook Comments