PAG-AARALAN | Mga batas ukol sa foreign investments, rerepasuhin ng Senado

Manila, Philippines – Ikinakasa na ng Committee on Economic Affairs at Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship ang gagawing pagrepaso sa mga umiiral na batas at polisiya sa bansa ukol sa dayuhang pamumuhunan.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, simula noong 1991 ay hindi na nabusisi ang Foreign Investments Act o FIA kaya hindi tiyak kung akma pa ito sa kasalukuyang panahon.

Sabi ni Gatchalian, kanilang sisilipin kung may positibo bang naidulot sa bansa ang FIA at kung wala ay kanila itong aamyendahan.


Binanggit pa ni Gatchalian na target ng hakbang ng Senado na matugunan ang mga aspetong humahadlang sa maayos na pagpasok ng Foreign Direct Investments o FDI.

Ang aksyon ng Senado ay tugon din sa Senate Resolution No. 73 na inihain ni Senadora Grace Poe na naglalayong gawing pinakamainam na paglagakan ng pamumuhunan ang Pilipinas ng mga nangunguna at pinakamalalaking korporasyon.

Facebook Comments