Manila, Philippines – Hiniling ni House Deputy Speaker Raneo Abu na pag-aralan at pagdebatehan ang mga probisyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na may kinalaman sa fiscal autonomy.
Ayon kay Abu, kailangang tiyakin na “airtight” ang BBL at mareresolba ang mga constitutional issues ng ilang probisyon ng panukala.
Isa sa constitutional issue sa ilalim ng BBL ang Section 1 ng Article 12 ng House Bill 6475 tungkol sa fiscal autonomy ng Bangsamoro na aniya ay unconstitutional base sa umiiral na jurisprudence.
Aniya, ang fiscal autonomy o pag-garantiya ng estado sa separation of powers at independence ay itinatakda ng Saligang Batas at hindi ito maaaring baguhin o palitan kahit pa ng batas na ipinasa ng Kongreso.
Nangangahulugan na hindi maaaring mag-gawad ang Kongreso ng kapangyarihan na kahalintulad nito.