Manila, Philippines – Hindi muna itinuloy ng LTFRB ang pagpapatupad sa utos nitong limitahan sa 45,000 ang Transport Network Vehicle Services (TNVS) sa Metro Manila.
Ito ay matapos na atasan ng Department of Transportation ang LTFRB na pag-aralan muna ang hakbang.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra – balik muna sa dating bilang ang mga Transportation Network Vehicle Services (TNVS).
Sa ngayon ay papayagan din muna nila ang pagpasada ng mga hatchback o compact cars basta’t accredited ang mga ito.
Facebook Comments