PAG-AARALAN NA | Pagbuo ng Bureau of Private Education, pinag-aaralan ng DepEd

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang pagbuo ng isang “Bureau of Private Education” na tututok sa kalagayan ng mga pribadong paaralan.

Ito ay matapos umaalma ang mga private school sa pag-alis ng mga guro sa kanila para lumipat sa pampublikong paaralan.

Giit ni Noli Chua, presidente ng Muntinlupa Association of Private School Administrators (APSA), nagiging training ground na lang ng mga guro ang mga pribadong paaralan.


Kaya apela nila sa gobyerno, i-subsidize ang kanilang sweldo at hayaan makapagturo sa mga pribadong paaralan ang mga hindi pa pumapasa sa Licensure Exam for Teacher (LET).

Sa tala ng DepEd, nasa 374 na mga pribadong paaralan na ang nagsara sa loob ng tatlong taon kung saan pinakamarami rito ay sa Central Luzon.

Facebook Comments