PAG-AARALAN PA | Bureau of Immigration, papayagang gumawa ng trust fund ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinagagawa ng trust fund ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration (BI) para pambayad sa sweldo at overtime ng kanilang mga empleyado.

Ito ay matapos ilatag ng Pangulo sa kanyang veto message na papayagan niya ang BI na bumuo ng trust fund mula sa makokolektang express lane fees at iba pang charges.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sasailalim pa sa pagsusuri ng Department of Justice, Department of Budget and Management at Commission on Audit ang guidelines ng trust fund.


Aniya, ang pagbuo ng trust fund ay patunay na inaalala ng Pangulo ang kapakanan ng mga manggagawa sa gobyerno.

Facebook Comments