PAG-AARALAN PA | Dagdag na buwis sa produktong petrolyo, iminungkahi ni Senador Bam Aquino na suspendehin

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senador Bam Aquino ang pagsuspendi muna ang excise tax sa produktong petrolyo habang mataas ang presyo ng mga bilihin.

Pagdinig ang senate committee on economic affairs ukol sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law, iginiit ni Aquino na marami sa mga Pinoy ang umaaray sa mataas na halaga ng mga bilihin at mahal na serbisyo.

Aniya, nais niyang maging kongkreto muna ang naipangakong ayuda ng gobyerno para maibsan ang epekto ng tax reform package.


Ayon naman kay Department of Finance Undersecretary Gil Beltran, hindi dapat suspendihin ang mga buwis sa ilalim ng TRAIN law dahil taumbayan rin ang makikinabang sa mga proyekto ng gobyerno.

Sabi naman ni Senador Win Gatchalian, kailangan pa ng konting panahon para lubos na malaman ang totoong epekto ng TRAIN law sa taumbayan.

Aniya, depende sa magiging bagong datos sa epekto sa mga presyo ng bilihin ang magiging suporta nila sa ikalawang bagong tax reform package.

Facebook Comments