PAG-AARALAN PA | Isinusulong na 14th month pay, pag-aaralan pa ng DOLE

Manila, Philippines – Aalamin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibleng epekto sa economic stability sakaling maisabatas ang panukalang 14th month pay na isinusulong sa Senado.

Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ay dahil kahit batid nila na malaki ang maitutulong ng 14th month pay, ay marami pa rin factors o aspeto ang kailangang ikonsidera, partikular na ang posibleng impact nito sa ekonomiya ng bansa.

Bukod dito ayon sa kalihim, kailangang kasing panatilihin na balanse na magbi-benepisyo dito ang manggagawa at employer.


Ayon kay Bello, sa oras na lumabas ang resulta ng mga pag-aaral at konsultasyon na kanilang gagawin, ay saka lamang sila maaaring magpahayag kung pabor ba o hindi ang kanilang hanay sa pagsusulong ng panukalang batas.

Sa ilalim ng isinusulong na Senate Bill No. 2 o “An Act Requiring Employers in the Private Sector to Pay 14th Month Pay” ang mga rank and file employees na pumapasok na ng isang buwan sa isang kumpaniya ay makatatanggap na ng 14th month pay.

Facebook Comments