PAG-AARALAN PA | Japan, inalok ang kanilang air defense radar sa Pilipinas

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inialok ng Japan ang kanilang air defense radar sa Pilipinas.

Ayon kay Lorenzana, kasalukuyan na itong sumasailalim sa evaluation ng Philippine Air Force.

Aniya, kailangan pang pag-aralan ang nasabing alok at sa susunod na taon pagdedesisyunan.


Ang air defense radar ay makakatulong sa pag-monitor sa mga sasakyang panghimpapawid at pandagat na pumapasok at lumalabas sa teritoryo ng bansa.

Facebook Comments