Aklan – Nilinaw ng COMELEC na hindi awtomatikong disqualified sa halalan ang kandidatong inaakusahan ng vote buying sa Aklan.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, dadaan pa sa tamang proseso ang nadiskubreng vote buying kagabi kung saan nakunan ng video at nadiskubre ang mga maliliit na brown envelope sa bag ng isang tauhan ng isang kandidato sa Aklan.
Ayon sa COMELEC,mahigit sampung maliliit na brown envelope na naglalaman ng tig 300 pesos na may kalakip na sample ballot at nakasulat ang buong slate o ticket ng isang partido.
Nabulgar ang vote buying matapos mataranta ang taong may dala ng bag na naglalaman ng pera.
Hawak na ngayon ng local authorities ang nasabing tao at ito ay isinasailalim sa imbestigasyon.
Facebook Comments