PAG-AARALAN PA | Panukalang batas na ihiwalay ang Philippine Marines sa Philippine Navy, hindi prayoridad pag-usapan ng DND

Manila, Philippines – Hindi pa prayoridad ng Department of National Defense
(DND) na talakayin ang panukalang batas na ihiwalay ang Philippine Marines
sa Philippine Navy at gawing panibagong branch of service.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Bienvenido Datuin, ang lahat ng
panukalang batas na nakakaapekto sa hanay Armed forces of the Philippine ay
dapat na pinag-aaralan ng DND.

Sa ngayon aniya ay may isinasagawang review sa National Defense Act ang DND
para mabago ang ilang nakapaloob sa National Defense Act of 1935 at hindi
pa kasama sa pinag-aaralan ang isyung gawing hiwalay na branch of service
ang Philippine Marines.


Paliwanag ni Datuin na ang isyung ito ay maaring matalakay ng DND pero
dapat nakapaloob ang mga inputs o mga opisyal na pahayag ng mga liderato ng
Philippine Navy at Philippine Marines.

Matatandaang inihain mismo nina Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority
Leader Rodolfo Farinas ang panukalang batas dahil sa pagkakaroon umano ng
problema sa pondo at charter ng Philippine Marines at Philippine Navy.

Facebook Comments