PAG-AARALAN | Pagbili ng dagdag na jet fighter sa South Korea, pinagiisipan na

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagbili ng karagdagan pang labing dalawang FA-50 jets sa South Korea.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa kabila na wala pang pinal na desisyon para sa karagdagang fighter jets ng Philippine Airforce.

May mga indikasyon anya na interasado ang Pangulong Duterte na dagdagan ang FA 50 fighter jets dahil sa naging epektibo ito sa paglaban sa Maute-ISIS sa Marawi City.


Inamin naman ni Lorenzana na walang pledge o pangako ang South Korea kaugnay sa fighter jets ngunit nabanggit ang helicopter, baril at teknolohiya para ang bansa na ang gagawa ng sarling armas

Una nang binatikos noon ni Pangulong Duterte ang pagbili ng nakaraang administration ng pagbili ng 12 FA 50 sa South Korea sa halos 20 bilyung piso dahil akma lamang daw itong gamitin sa mga air show.

Facebook Comments