Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na simulan na sa susunod na buwan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa kaniyang talumpati sa Lapu-Lapu City, Cebu, sinabi ng Pangulo na nakikipag-usap na ulit siya kay CPP Founder Joma Sison para sa muling pagbuhay ng peace talk.
Una nang nagtakda ng 60 araw na palugit si Duterte para buhayin muli ang peace talk.
Sinigurado rin ni Duterte na bibigyan niya ng proteksyon si Sison oras na bumalik ito ng Pilipinas mula sa pagkaka-exile nito sa The Netherlands.
Facebook Comments