PAG-AARALAN | Probationary period ng mga guro sa private schools, pinababawasan

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng House Committee on Labor and Employment ang pagbawas sa probationary period sa mga guro mula sa pribadong paaralan.

Bumuo na ng Technical Working Group o TWG ang komite para i-consolidate ang House Bills 4933 at 3184 upang iklian ang maximum probationary employment period ng mga private academic personnel.

Layunin nito na maibigay ang security of tenure para ma-regular na sa trabaho ang mga guro, librarians, researchers at iba pang empleyado sa private schools.


Sa ilalim ng panukala, mula sa tatlong taong probationary period, gagawin na lamang isang taon ang probationary period ng mga empleyado sa private schools.

Ayon kay Basic Education and Culture Committee Chairman Mark Go, masyadong mahaba ang 3 years probationary period sa mga private school teachers dahil kaya namang gawin ito sa loob lamang ng anim na buwan hanggang isang taon.

Facebook Comments