Manila, Philippines – Aalamin pa ng Palasyo ng Malacañang ang pahayag o sentimyento ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa mandatory surprise drug test para sa mga estudyanteng 10 taong gulang o mga nasa grade 4.
Matatandaan na iminungkahe ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na magsagawa ng drug test sa mga grade 4 students matapos silang makahuli ng estudyante na gumagamit ng iligal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nasa Hurisdiksyon ng DepEd ang usapin lalo at maraming tatamaan ng panukala ng PDEA ay mga nasa pampublikong paaralan.
Sinabi ni Roque na kakausapin niya si Education Secretary Leonor Briones para malaman niya ang pulso nito sa isinusulong ng PDEA.
Una naring inanunsiyo ni PDEA Director Aaron Aquino na isusulong din nila ang pagkakaroon ng academic subjects patungkol sa pagbabawal ng paggamit sa iligal na droga.