PAG-AARALAN | Sample ng lambanog, inaantabayanan na ng FDA

133

Wala pang natanggap na sample ang Food and Drug Administration o FDA mula sa mga lambanog na ininom ng mga namatay sa Laguna at Quezon City.

Ayon kay FDA-Regulatory Reinforcement Unit Chief Ret. Gen. Allen Bantolo, hindi pa nakakarating sa kanila ang kaso ng mga nasawi mula sa Calamba City, Sta. Rosa, Laguna at Novaliches.

Pero may mga sinuri na silang sample ng lambanog mula Gapas, Tarlac kung saan may mga napaulat na 3 nasawi at 10 naospital noong nakaraang buwan matapos din makainom ng lambanog.

Sinabi ni Bantolo na hindi pa sila makapagimbestiga sa panibagong insidente ng pagkamatay ng mga nakainom ng lambanog hanggang hindi pa sila nabibigyan ng impormasyon ng pulisya sa kaso.

Sa ngayon, sinabi ni Bantolo na may mga ipinadala na silang mga team sa mga nabanggit na lugar para makakuha ng sample ng lambanog at maisailalim sa laboratory test.

Facebook Comments