PAG-AARALAN | Senador Panfilo Lacson, muling isusulong ang pag-amyenda ng TRAIN law

Manila, Philippines – Muling isusulong ni Senador Panfilo Lacson na amyendahan ang ipinapatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Ayon kay Lacson, minsan na niyang nais paamyendahan ang TRAIN law pero nabigo siya.

Pinagkaisahan kasi aniya siya ng kaniyang mga kapwa senador at bomoto ang mga ito kontra sa kaniyang mga argumento.


Kabilang sa mga argumento ni Lacson ang pagbawas ng mga tax exemption para makakuha ng revenue o kita mula mga malalaking negosyo sa bansa.

Facebook Comments