PAG-AARALAN | Statement ng recruiters ni Joanna Demafelis, mahigpit na pag-aaralan ng NBI

Manila, Philippines – Mahigpit na pag-aaralan ng NBI ang mga pahayag ng mga dati at kasalukuyang opisyal ng Our Lady of Mt. Carmel Recruitment Agency na nag-deploy kay Joanna Demafelis sa Kuwait.

Dito kasi pagbabatayan ng NBI kung magsasampa sila ng kaso laban sa recruiters ni Demafelis.

Una nang inihayag ni Atty. Jude Marfil , abogado ng pangulo at may ari ng Our Lady of Mt. Carmel na bukas sila sa imbestigasyon ng NBI.


Ito ay bagamat iginiit ni Marfil n kung pagbabatayan aniya ang rules , kapag ang isang ahensya ay tinanggalan ng lisensya , ang POEA at OWWA na ang may responsibilidad sa pagmonitor sa mga naiwang OFW ng nagsarang recruitment agency.

Una na ring iginiit ng nasabing recruitment agency na dumaan sa proseso ang pag-deploy kay Demafelis sa Kuwait.

Facebook Comments