Manila, Philippines – Pag-aaralan muli ng Department of Finance (DOF) ang planong temporary suspension ng nakatakdang pagtaas sa buwis sa langis sa Enero ng susunod na taon lalo at patuloy na bumababa ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Matatandaang pitong beses nang nagpatupad ng rollback ang oil companies sa kanilang produktong petrolyo.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III – ang hindi inaasahang pagbagsak ng fuel prices sa $55 ay dahilan para i-review muli ang nakatakdang pagsususpinde ng dalawang pisong dagdag na excise tax.
Aniya, ang pagmura ng halaga ng langis ay magkakaroon ng malaking epekto sa pagbaba ng inflation.
Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ang dalawang pisong dagdag sa fuel tax ay nakatakdang ipatupad sa January 1, 2019.
Nakasaad sa probisyon na kapag umabot sa $80 per barrel ang Dubai crude sa huling tatlong buwan ng taon ay awtomatikong masusupinde ang fuel excise tax.