PAG-AARALAN | VACC, ipinanawagang ibalik ang death penalty

Manila, Philippines – Muling isinulong ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Ayon kay VACC Spokesperson Arsenio “Boy” Evangelista, dapat gawin sa harap ng publiko ang pagpaparusa ng kamatayan sa mapapatunayang kriminal.

Ito ay para umano matakot ang mga kriminal sa paggawa ng krimen.


Giit ni Cory Quirino, bagong pangulo ng VACC, nakakaalarma ang pagkawala ng kaayusan sa bansa dahil sa sunod-sunod na naitatalang karahasan.

Ani naman ni Senate President Tito Sotto na payag siyang ibalik ang death penalty pero para lang sa kaso ng high level drug trafficker.

Tinuligsa naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang suhestiyong pagbabalik ng death penalty.

Sabi ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP, hindi epektibong paraan ang parusang kamatayan sa pagpigil ng karahasan sa bansa.

Giit ni Secillano, ang kailangan umano ay pagbabago sa criminal justice system ng bansa.

Facebook Comments