Pag-aaresto sa mga istambay hindi solusyon sa problema ng kahirapan ayon sa ilang mga mambabatas

Manila, Philippines – Naniniwala sina Kabataan Party list Representative Sarah Jane Elago at 2nd District Caloocan City Representative Edgar Erice na hindi tugon sa kahirapan ang pag -aaresto sa mga kabataan na nag iistambay.

Sa ginanap na forum sa Samahang Plaridel sa Kapihan sa Manila hotel sinabi ni Representative Elago na isang banta ang ginawa ni Pangulong Duterte sa kanyang mga polisiya na pagdadamputin ang mga nag iistambay.

Sinang-ayunan naman ito ni Representative Erice na hindi Solusyon ang ginagawa ng gobyerno na itago ang mga mga istambay dahil mistulang katulad din umano ito ng ginawa noon ni dating presidente Ferdinand Marcos na itinatago ang mga istambay kapag mayroong mga kilalang bisita ang bansa.


Paliwanag ng mga mambabatas na kahirapan ang problema talaga ng bansa at hindi ang pag dadampot sa mga nag iistambay sa lansangan kaya at dapat tutukan ng gobyerno ang problema ng kahirapan.

Giit ni Erice dapat tumbukin ang ugat ng suliranin ang dapat tutukan ng gobyerno at hindi pagtutuunan ang pag-aresto ng mga istambay dahil trabaho umano ito ng barangay at hindi sa Pangulo.

Facebook Comments