Pag-aarmas sa civilian volunteers, hindi pa pinal – Malacañang

Nilinaw ng Malakanyang na hindi pa pinal ang rekomendasyong armasan ang mga sibilyang volunteer na susugpo sa krimen.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patuloy pa itong pinag-aaralan ng pamahalaan.

Aniya, kailangan nating intindihin na kapag ang mga volunteer groups ay mayroong banta sa buhay nila ay mayroon din silang karapatan na depensahan ang kanilang mga buhay.


Sabi pa ni Roque, ang pag-aarmas sa mga ito ay hindi nangangahulugan na maaari na silang sumama sa mga operasyon ng mga pulis.

“There is not a policy yet. I’m sure it will be subjected to full staff work pero meanwhile may riyalidad na habang tumutulong ang mga volunteers, may banta rin sa kanilang buhay,” ani Roque.

Facebook Comments