Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ngayon niPangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga sibilyan para makatulong sapagbibigay solusyon at paglaban sa teroristang grupong abu-sayyaf at iba pangmasasamang elemento sa bansa tulad ng mga nagtutulak at gumagamit ng Droga.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi pa niya masasabi angdetalye kung paano ito isasakatuparan dahil sa ngayon ay kailangan pa niyangmarinig ang panig ng mga kumokontra sa nasabing panukala.
Ang pahayag na ito ay kasabay narin ng sinabi niPangulong Duterte na magbibigay siya ng pabuya na 1 milliong piso sa sinomangmakapagtuturo sa bawat miyembro ng Abu-sayyaf na patuloy na hinahanap sa Bohol matapos makipagbakbakan sa puwersa ngPamahalaan.
Atas pa ng Pangulo sa mga otoridad, Dead or alive aydapat makuha ang mga pinaghahanap na miyembro ng ASG.
Pag-aarmas sa mga sibilyan para labanan ang kasamaan ikinokonsulta pa ni Pangulong Duterte
Facebook Comments