Matapos ang ilang araw ng masinsinang clearing at pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura dulot ng bagyo, opisyal nang nakapailaw muli ang Zone 7 Sitio Isla at Zone 3 Pascua Compound sa Brgy. Pinmaludpod, Urdaneta City. Naisaayos din ang linya ng kuryente ng Don Alipio Fernandez Sr. Integrated School, na malaking tulong upang maibalik ang normal na operasyon ng paaralan.
Ang mga naunang nakapagpa-ilaw ay ang Zone 1 Daramuangan Pinmaludpod Labit, pati na rin ang Zone 5 Cabangon Compound at Zone 6 Serv-o Treat/Crisostomo Road, na agad na nakinabang sa muling pagbabalik ng kuryente sa kanilang mga tahanan.
Taos-pusong nagpapasalamat ang barangay council sa lahat ng direktang tumulong sa clearing operations at pagsasaayos ng kuryente kabilang dito ang mga miyembro ng council, CVO, tauhan ng PANELCO III Maintenance Team at ilan pang indibidwal.
Sa kabila ng mga kakulangan at hamon sa panahon ng recovery operations, ang pamahalaang barangay ay nagpapasalamat sa pag-unawa at kooperasyon ng bawat isa.
Ayon sa Punong Barangay, ang matagumpay na pagbabalik ng kuryente at pagsasaayos ng mga kalsada ay bunga ng tulungan at malasakit ng buong komunidad.
Ang pamahalaan ng barangay ay nananawagan sa lahat ng residente na patuloy na makiisa sa mga proyekto para sa kaligtasan, kaayusan, at kaunlaran ng kanilang komunidad.









