Pag-aayos ng mga parke sa Navotas, minamadali na

Pinamamadali na ng lungsod ng Navotas ang pagsasaayos sa mga parke para may mapasyalan ang mga residente.

Ilang pasyalan na rin sa lungsod ang bubuksan sa mga susunod na araw.

Kabilang dito ang Pescador Park extension at Greenzone Park sa may R10.


Ito’y para may ligtas na espasyo na mapupuntahan ang mga residente na pwedeng pasyalan o maaaring mag-exercise ngayong maluwag na ang restrictions at bumaba na ang COVID cases.

Sa ngayon kasi ay sarado pa ang Navotas Centennial Park dahil dito nakatayo ang dalawang COVID isolation facility ng lungsod.

Pakiusap naman ng Navotas Local Government Unit (LGU) sa mga residente, panatilihing malinis at maayos ang mga pasilidad at sumunod sa mga health protocols.

Facebook Comments