Pag-aayos ng runway sa Pag-asa Island, masisimulan na ayon kay DND Sec. Delfin Lorenzana

Masisimulan na ang pag-aayos ng runway sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea kapag nakumpleto ang beaching ramp.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, maari nang magdala ng heavy equipment at construction supplies sa Pag-asa ang mga barko ng Philippine Navy na pwedeng dumaong sa beaching ramp.

Malaking benepisyo aniya ito para sa mahigit 200 residente ng isla na maaari na ring padalhan ng generator dahil walang supply ng kuryente.


Tiniyak naman ni Lorenzana na ang pagkumpleto sa beaching ramp ay hindi magiging daan sa militarisasyon ng lugar katulad ng ginawa ng China sa kanilang mga isla.

Aniya hindi magdadala ng military equipment para ipagtanggol ang Pag-asa island at 8 iba pang isla na okupado ng Pilipinas sa Spratly Island dahil wala namang banta ng pag-atake.

Facebook Comments