PAG-AAYOS | Paliparan sa Tacloban, stop operation dahil sa emergency repairs

Manila, Philippines – Nananatiling sarado ang Daniel Romualdez Airport sa Tacloban City.

Sa abisong inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines magtataggal hanggang mamayang alas-9 ng gabi ang temporary closure ng nasabing paliparan.

Ang pagsasara ng Daniel Romualdez Airport ay bunsod ng pagkumpuni sa runway nito dahil narin sa nagsilabasang potholes bunsod ng walang tigil na pag ulan nuong mga nakalipas na linggo .


Kasunod nito naglabas narin ang CAAP ng Notice to Airmen dahil sa nabanggit na emergency repairs.

Ayon pa sa CAAP kinakailangang agad na magawa ang runway dahil nakasalalay dito ang kapakanan ng mga byahero.

Pinapayuhan naman ang mga apektadong manlalakbay na i-monitor at maki-update sa mga airline companies para sa flight cancellations at flight arrangements.

Facebook Comments