Manila, Philippines – Pangungunahan ni Education Secretary Leonor Briones ang kick off ceremony ng Brigada Eskwela sa Amai Pakpak Central Elementary School, Marawi City ngayong araw.
Ito ay makaraang matapos ang giyera sa Marawi at ideklara na itong ligtas ng Sandatahang lakas ng Pilipinas.
Ayon kay DepEd Sec. Briones uumpisahan simula ngayong araw ang pagkukumpuni sa mga napinsalang paaralan sa Marawi.
Sa datos ng DepEd sa kabuuang 69 schools sa Marawi, 20 dito ang sira o hindi na maaari pang mapakinabangan.
Samantala, hinihikayat din ni Briones ang publiko at mga stakeholders na makiisa sa Brigada Eskwela.
Ang Brigada Eskwela ay ang pagtutulung tulungan upang maisaayos muli ang mga paaralan para sa pagbubukas ng klase sa Marawi.
Sa ngayon, kinakailangan ng ahensya ng P2B upang maisayos muli ang mga paaralang sinira ng giyera.
Inanunsyo din ng kalihim na gumawa muna sila ng temporary learning spaces sa Marawi nang sa gayon ay makapagbalik eskwela na ang mga taga Maranao.