Manila, Philippines – Kinondena ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY ang pag-abandona na ng gobyerno sa usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Gloria Arellano, National Chairperson ng KADAMAY, dismayado ang mga maralita sa pagguho ng peace talks.
Aniya, naglaho na ang kanilang pag asa na nakasalalay sana sa pag usad ng peace talks ang kanilang mga panawagan para sa pabahay at trabaho.
Nangangamba ang grupo na hindi na mapakinggan pa ang boses ng mga maralita.
Malamang pa nga ay masupil pa ito dahil maaring ituring na NPA ang mga tutuligsa sa administrasyong Duterte.
Facebook Comments