Nanawagan si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte na iabandona na ang foreign policy pabor sa China at i-demilitarize na ang South China Sea.
Ang pagkalampag ng kongresista sa pangulo ay kaugnay na rin sa patuloy na presensya ng mga barko ng China sa West Philippine Sea sa kabila ng mga inihaing diplomatic protest ng Pilipinas.
Giit ni Zarate, ang patuloy na pagbalewala ng China sa diplomatic protest ng bansa ay nagpapakita lamang na hindi nila tayo sineseryoso dahil mistulang biro lamang ito ng pangulo para ipakita sa mga Pilipino na naninidigan siya sa interes ng bansa laban sa China.
Demand ng Bayan Muna kay Pangulong Duterte na abandonahin na ang foreign policy sa China at ipatanggal ang military forces ng nasabing bansa sa WPS bago pa man tayo mawalan ng kontrol sa ating sovereign claims sa teritoryo.
Hinamon din ng grupo ang mga kakandidato sa pagka presidente at senador na matapang na ideklara “categorically” kung sila ba ay pabor o hindi sa foreign policy ng presidente.