CAUAYAN CITY – Pormal na inilunsad ng DSWD Regional Office 2 ang kanilang Programang pag-abot sa buong Lambak ng Cagayan.
Bilang pagsisimula ng programa, isang pamilya mula Manila ang napauwi sa kanilang tahanan sa bayan ng Solano, Lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Maliban dito, naabutan din sila ng P80-K na halaga ng livelihood assistance bilang tulong sa pagsisimula ng trabaho o kanilang ninanais na negosyo.
May layunin ang programa na ibalik sa kanilang tahanan ang mga pamilya o indibidwal na nakatira sa lansangan at mabigyan ng tulong at benepisyo ang mga ito para sa mas maayos na antas ng kanilang pamumuhay.
Ang Pag-abot Program ay inisyatiba ng DSWD sa pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian bilang tulong at suporta sa mga pamilyang Pilipino.
Facebook Comments