Pag-abot sa 3 milyon ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa pagtatapos ng 2021, malabo na – OCTA

Tiwala ang OCTA Research Team na hindi na aabot sa tatlong milyon ang kabuuang kaso sa Pilipinas bago matapos ang 2021.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, hindi niya na nakikitang lalampas pa ito ng tatlong milyon dahil bumababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

As of November 4, nasa 2,795,642 na ang kabuuang kaso ng bansa na nadaragdagan lamang ng mahigit 1,000 kada araw.


Nitong nakalipas na mga linggo, naglalaro na lang sa 4,000 ang average cases kada araw habang ang seven-day average case ay inaasahang papalo na lang sa 2,000 sa pagtatapos ng Nobyembre.

Facebook Comments