Balak ng Department of Health (DOH) sa Eastern Visayas ang pag-abot sa herd immunity ng rehiyon bago matapos ang taon.
Ayon kay Dr. Exuperia Sabalberino, regional director ng DOH, kailangan lamang nila ng kooperasyon at suporta mula sa mga lokal na pamahalaan para maabot ang 70% ng mga mababakunahan.
Nitong Lunes, October 25 umabot na sa 889,000 ng target na 3.52 million ang nakatanggap ng bakuna sa rehiyon.
Pero malayo pa ito sa 2.3 million indibidwal na kailangang mabakunahan.
Sa Eastern Visayas, ang Ormoc City sa Leyte pa lamang ang may mataas na datos ng mga nabakunahan ng unang doses na nasa 63%.
Kahapon, umabot na sa 471 ang aktibong kaso sa Eastern Visayas.
Facebook Comments