Lubos na ikinatuwa ng Department of Trade and Industry (DTI), ang pag aapruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 3-Year Logistic Plan ng bansa.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, kapag mapapabilis ang pagbiyahe ng produkto ay mababawasan rin ang costing ng mga manufactures kapag naisagawa na ang naturang logistic plan.
Aniya, ang naturang logistic plan ang magaayos sa buong bansa sa mas mabilis na pagbiyahe ng mga pangunahing produkto sa bansa.
Samantala, nagpasalamat naman ang kalihim kay Pangulong Marcos, dahil sa paglagda at pagapruba sa nasabing logistic plan sa loob ng tatlong taon.
Facebook Comments