Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang hurisdiksyon sa Pilipinas ang International Criminal Court (ICC).
Kasunod ito ng pagbasura ng korte sa kaso ni dating Senadora Leila de Lima na may kaugnayan sa iligal na droga.
Sa ambush interview kanina, sinabi ng Pangulong Marcos na magandang halimbawa ang pagbasura ng kaso laban kay De Lima upang ipakita sa ICC na gumagana ang judicial system ng bansa.
Malinaw aniyang dumaan sa imbestigasyon, paglilitis at hanggang sa maabswelto ang dating senadora.
Dahil dito, sinabi ni PBBM na hindi kailangan ng Pilipinas ng assistance sa pagpapatupad ng batas.
Una nang sinabi ni De Lima na plano niyang makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa war on drugs.
Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang pinakahuling drug case ni De Lima dahil sa pagkabigo ng prosekusyon na patunayan siyang guilty beyond reasonable doubt.