Pag-aaralan mabuti ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung bakit pinawalang-sala ng Las Piñas City Regional Trial Court ang anak ni Department of Justice Secretary Boying Remulla na si Juanito Remulla III.
Si Remulla ay inabswelto kahapon ng Las Piñas City RTC Branch 197 sa kasong possession of illegal drugs dahil sa kabiguan ng prosekusyon na magbigay ng ebidensya na inaasahan ng batang Remulla na tatanggap siya ng isang package ng iligal na droga.
Ayon sa PDEA, ginagalang nila ang desisyon ng korte pero pag-aaralan nilang mabuti ang mga dahilan kung bakit napawalang sala si Remulla.
Matatandaang ang mga PDEA agents ang nagkasa ng controlled delivery operation laban kay Remulla sa Talon Dos, Las Piñas City noong October 11 kung saan nakuha rito ang isang parcel na naglalaman ng P1.3 milyong halaga ng hinihinalang kush o high-grade marijuana.