Pag-abswelto sa 10 human rights defenders, maituturing ding tagumpay ng due process at rule of law

Ikinatuwa ni Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th district representative Bienvenido “Benny” Abante, Jr. ang pag-abswelto ng korte sa sampung human rights defenders.

Kaugnay ito sa kasong perjury na isinampa sa kanila ni dating National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Para kay Abante, ang kanilang tagumpay ay tagumpay rin ng due process at rule of law na parehong sandigan ng pagsusulong ng karapatang pantao sa ating lipunan


Diin pa ni Abante, ang naturang pasya ng korte ay nagpapakita na walang puwang ang extrajudicial actions sa isang bansa na may gumaganang Judiciary and criminal justice system.

Kaugnay nito ay umaasa at ipinagdarasal ni Abanta na maabswelto na rin ang iba pang nahaharap sa maling akusasyon tulad ng mga aktibista at miyembro ng progresibong grupo na umaani ng hindi patas na pagkondena dahil sa kanilang ideyolohiya at paniniwala.

Facebook Comments