Iginiit si Senator Risa Hontiveros sa pulisya at iba pang law enforcement agencies na aksyunan ang pag-abuso at karahasan sa mga babae at bata sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Giit ni Hontiveros, mahalagang matiyak ang pagtulong sa mga babae at batang biktima ng pag-abuso at karahasan.
Ayon kay Hontiveros, dapat din ay makabuo ng mga polisiya para hindi na madagdagan ang mga biktima nito.
Ang panawagan ni Hontiveros ay kasunod ng report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ukol sa COVID reponse ng gobyerno kung saan nakasaad ang datos mula sa Philippine National Police (PNP) na umaabot na sa mahigit 4,200 ang mga babae at bata na nabiktima ng karahasan at pang-aabuso.
Kaugnay nito ay inihain din ni Hontiveros ang Senate Resolution Number 446 na nagtatakda ng pagbusisi ng Committee on Women, Children ang Family Relations sa pagtugon ng gobyerno sa mga gender-based na problema sa gitna ng pandemya.